Thursday, February 24, 2011

Talambuhay ni Cielo Hernandez

Ako noong  recognition day



Apat na minuto na lang bago sumapit ang alasais ng hapon , Linggo noong ika 21 ng Mayo 1995 ipinanganak ni Gng.Lourdes  Hernandez ang isang munting anghel na napakacute at napaka puti ngunit umitim noong lumaki na pinangalanang Cielo Hernandez.

 Noong bata pa ako edad 3 ay halos wala  pa akong buhok. Sa edad kong 5 ay tinuturuan na akong magbilang at magbasa ng aking ama na si G.Cirilo Hernandez.Sabi ng mga magulang ko sa akin ngayong malaki na ako ay gusto ko daw maging pulis noong bata pa ako .Noong 7 taon na ako hinding hindi ko makakalimutan ang pagkakakagat  ng bubuyog sa aking braso na siyang ikinahimatay ko at ang pagkaakabarog ng ulo ko sa  bahay ng tita ko sa Calauan,halos duguan na ang balikat ko dahil sa pagkakadulas ko sa semento na naging peklat sa ulo ko.
Ako noong grade 4 kasama ang aking ina

Ako noong graduation
Pumasok ako ng elementarya sa paaralang sobrang lapit lang sa bahay namin na kulang na lang ay akyatin ko ang pader at nasa  school na ako ngunit kahit sobrang lapit lang nito sa amin ay palagi pa din akong nahuhuli sa klase pero magkagayon pa man kahit nahuhuli ako sa klase ay nakakasama pa din ako sa mga honor students.Sa paaralang  ito nakilala ko ang mga una kong kaibigan.Mga kaibigan kong lagi kong nakakalaro ng tagutaguan,langit lupa,sikyo at jackstone.Dito ko rin nakilala ang mga una kong crush na sina Dave, Marvin,Roi at Justine  at higit sa lahat dito ko nakilala ang kaklase ko simula kinder na hanggang 4th year high school ay  kaklase ko pa din na si Mhokay Ghanda  na itinuturing ko ng parang kapatid.Sa araw ng pagtatapos namin ng elementarya halos mapaiyak  na ako dahil mamimis ko silang lahat lalo na si Marvin na crush ko.                                   
                                                                                                                   
Nang maghahayskul na ako ay biglaan akong pinakuha ni Mama ng test para mapapunta sa science section buti na lang nakapasa ako.Dito ko naman nakilala ang mga bago kong kaibigan na sobrang ingay.Lumipas ang 2 taon at nasa ikatlong antas na kami , dito ako nahirapan dahil hindi ako mahilig sa geometry.Noong kami ay 3rd year na dito nabuo ang ''blue phanters'',ako ,si Claire,Mitch at reginae ang magkakabarkada kaya napagkaisahan namin na bumuo ng samahan.
 Ako at ang bestfriend kong si Claire
                                                                          
                                             




Sa panahong din itonaging magbestfriend kami ni Claire at napagkaisahan namin na March 01 ang araw na ipagdiriwang namin ang pagiging magbestfriend namin

Noong third year din ako nakilala ko ang isang espesyal na tao  na napamahal na din sa akin ngunit hindi naging kami dahil sa isang

kumplikadong dahilan.Ngunit isang nakakatuwang pagkakataon ay may nakilala akong isang  kakaiba na tao  na naging espesyal sa puso ko .Naging crush ko siya noong science camp pero pagkatapos  noon ay hindi ko na siya nakita  ngunit dahil sa isa kong kaibigan ay nagkakilala kami  at nagkatext din pero noong nagkatext  kami hindi ko siya minsan nirereplyan dahil laging ''ok'' at ''topic po'' ang tinetext niya sa akin kaya minsan naaasar ako sa kanya.Naging crush ko siya dahil sa kanyang ''black eyes''.

4-science
                At sa wakas nakalipas ang 1 taon  at ngayon ay 4th year na kami.Marami ang nagbago ,may mga natanggal  sa aming section kaya  naging  25 na lang kami .Pero kahit 25 na lang kami  napakaingay pa din namin  sa loob ng room.Marami  na rin kaming mga kaguluhang hinarap pero kahit ganun  pa man sama-sama pa din kami na masaya



 Sa mga panahong din ito naranasan ko na pumunta sa UP dahil sa research namin.Sa bawat pagpunta namin nina Thea,Berna at Arjay ay lagi kaming nagpupustahan  kung ano ang kulay ng mga damit na nakadisplay sa isang dress shop na nadadaanan namin.








sCyBer pHoEniX
 stolen shot ng ScYbER pHoEniX
                                                                       sCyBer pHoEnIx                        


           Dumating na ang araw na pinakahihintay namin  ang ''senior mini olympics''.Dito ay maglalaban laban  ang lahat ng 4th year sections  sa cheerdance at sa ibat-ibang laro  dito nagsimula ang pakikipagsapalaran namin bilang SCYBER PHOENIX  ang pangalan ng section namin.Halos gabing gabi na kami  nakakauwi  para  lang maayos  namin ang aming cheerdance .At dumatinng na ang araw na pinakahihintay namin nanalo kami ng 2nd place sa cheerdance,2nd place  sa football girls at 4th place sa basketball girls.




                                   


       Sa panahong din ito mas dumami pa ang  mga kakilala ko .Tuwing wala kaming klase , nakaugalian na naming makwentuhan  bago magsimula ang klase .May mga kalokohan  na diyan magagaling ang iba  kasama din ako dun.Pero pag oras na ng quiz laging takot at baka makakuha ng zero madadagdagan na naman ang poultry ng 4-Science.




Ang paghahanda para sa quiz
trip na mag eye liner



lunch time namin
           Siyempre makakalimutan ba naman ang hinian ng papel,hiraman ng ballpen,pagpapasama sa cr  at pagbili ng pagkain  at ang pinakamatindi ang pagtatanong ng ''ui may polbo ka pahinge naman'' sabay banat ng ''maputi ba''.


  Simple lang ang kwento ng buhay ko  ngunit ng dahil sa mga taong nagpapahalaga  at nagpapasaya sa akin
ay naging makulay ito na dating walang buhay

Saturday, February 12, 2011

Heaven_21

 
''Cielo''  a name or a word  which comes from an Italian  word which means heaven or sky .Being  my own name Cielo is such a pleasure  though  I don't have an angelic  face.


. It is a great gratification  that my name means a  lot of good descriptions . I may not be a type of person  who has very good descriptions but I'm willing to prove and show  the real me. And to show  it I must struggle harder on life especially on our section 4-Science

  Being one in a group of science students is hard but amazing.A section  where in  you can find different  kind of person with different personality .But  being a member of this section  is interesting. I n any problem , we face it as one, though sometimes we get mad at each other we don't make it seriously.People around us don't know what's the real 4-science  especially me.Maybe most of the  students  in our school don't know 'bout me ,what are my likes .dislikes,behavior  and favorites .The truth is  I am a kind  of girl who always hide my emotions  but to show I'm fine I just keep on smiling . I appreciate  my friends  who trully understand me inspite of my attitudes. There are many things that can describe me.A girl  that can makes you laugh by my corny knock knock  jokes. A girl  who don't  know how to cross a road alone. And a simple girl that can rock your emotional heart. A boyish girl   whose favorite sport is  football , since  I was a child it was my  favorite  game. I used to join  that during  intramurals  and distric meet when I was in gradeschool and now that  I'm  in high school student  I was very glad from what  had happened on our mini olympics  , we ranked  second place , though we are not the champion we are very  happy  from what we achieved .


Scyber Phoenix
 For me  I am a teenager with the Scyber Phoenix  who truly  found ourselves in a unique school  surrounded by a  remarkable group of students  where the only way  to fit in is to stand out.

I am a responsible Netizen

 I am a responsible ''netizen'' a person actively involved in online communities . Being a netizen has a great responsibility that is improved in its development while encouraging free speech and open access. Netizens use of the  internet around the world has been marked. One good example of  this is through email delivery of letters by means of internet, as a replacement to the  traditional based paper correspondence  letters.And another example  of this is the blog , a web  log  in which the writer writes  in it  in any possible subject in which  he or she  desires to talk discusses at any  time  the author so desires, and in  which  the  writer control  access to.


Responsible netizen aims at helping internet users to act  as citizen of the web and to protect themselves on online threats. Just  as a citizen as a member of a country a netizen as a member of the internet.However this  two terms  has a big difference .Citizens have  a legal rights  regarding free expression and protection against illegal harassment  and discrimination while netizens are not forced to face consequences of their  opinions , choices and actions  in that country while citizens are not.

Friday, February 11, 2011

Salpukan ng mga Titans

Nagsimula ang kuwento nito sa isang mangingisda na nakatagpo ng isang kabaong kung saan si Perseus at ang patay nitong ina na si Danae.Taon ay lumipas  pinalaki ni Sypros Si Perseus na para na niyang sariling anak.


Isang araw nasaksihan  niya kasama ang kanyang  pamilya sa pagwasak ng rebulto no Zeus bilang deklarasyon ng digmaan laban sa mga dios.Si Hades ay lumitaw at pinatay ang lahat ng mga kawal dahil dito  ay nadamay ang pamilya ni Perseus. Siya ay natagpuang buhay ng mga sundalo sa Argos.Ipinaliwanag  nila ang tunay  na pagkatao nito.Siya ay dinala sa harap ni Haring Cepheus  at Reyna Cassiopeia.Sila ay walang pakialam sa mga buhay na nawala sa bagong pahayag na digmaan.At dahil dito nagalit si Perseus na nagbigay sa impyerno upang lumitaw sa harap ng Olympus


Si Hades ay lumitaw at nakipagtalo na dapat kumilos ang mga dios sa paghihganti at kinukumbinse niya si Zeus na sirain  ang Argos gamit ang kraken.Si Perseus ay ipinakilala  na bilang anak ni Zeus , ngunit ipinakulong niya ito dahil di siya lumalaban para sa mga dios.Si Io ay nagpakita sa kanya ng kanyang tunay na pamilya.Dahil sa kanyang mga nalaman ay gumawa siya ng plano kumg paano mapapatay ang kraken.Siya ay sumang-ayon na sumama sa ilang mangangaso.Binigyan din siya ng isang Pegasi ni Zeus.Sa simula ng kanilang paglalakbay ay nakaharap nila ang malalaking alakdan sa labas ng buhangin.Dahil dito marami ang napatay sa kanyang kasamahan.Sila ay naligtas sa tulong ng  mga Djinn na gumagamit ng itim na mahika.Kahit  walang tiwala sina Perseus dito ay ginamot pa din nito ang mga sugat nito.


Sinamahan ng mga Djinn ang grupo ni Perseus upung maka-usap ang mga mangkukulam ng Stygian at sinabi na ang ulo ng Gorgon na si Medusa ang makakapatay sa kraken.Sila ay pumunta sa lugar ni Medusa.Marami sa mga kasamahan nito ang naging bato .Nang makaharap na niya ito ay agad nitong pinutol ang ulo nito.Siya ay agad umalis dala ang ulo ni Medusa at nagtungo sa Argos.Ngunit ang kanyang nadatnan ay ang kakaibang ritwal ng mga ito.Dito niya nakita si Andromeda na ginawang sakripisyo para sa kraken.Nang lumitaw na ang kraken ay inaharap ni Perseus abg ulo ni Medusa at naging bato ito.Nailigtas niya si Andromeda.
Matapos magawa ang misyon ay inalok muli ni Zeus si Perseus na manirahan sa Olympus , ngunit tinanggihan  lamang niya ulit ito.Sa halip siya ay umalis sakay ng pegasi

Pakikidigma Para sa Iyo

Isang buwan na lang at araw na ng pasukannina Yoshi na nasa ikaapat na antas na sa sekondarya.Ngunit ang araw na ito ay hindi ordinaryo sa kanya.Isang kagila-gilalas ang nangyari sa kanya.Hindi niya ito maipaliwanag sapagkat sa kanyang pagkakaunawa ay tumigil ang oras ngunit siya lamang ang nakakaramdam nito.Nang di umano sa kanyang paglilibotsa lugar na iyon ay may nakita siyang mga taong nakakagalaw gayong tumigil ang oras.Siya ay namangha at natakot sa nakita sapagkat ang dalawang taong ito ay naglalaban  na may natatanging lakas at kapangyarihan na wala  ang ordinaryong tao.



Nang sa kalagitnaan sila ng laban ay nakita si Yoshi ng naka kulay itim na kapa at bigla itong sinugod, sa kabutihang palad ay nasagip ito ng nakakulay asul na mandirigma na nagngangalang Akiba. Laking takot ni Yoshi .Biglang nawala naka-itim na kapa at nag-iwan ng katagang ''natagpuan din kita''kay Yoshi.Ipinaliwanag ni Akiba ang lahat ng nangyari sa kanila at tungkol sa natatangi nitong kapangyarihan kaya siya sinugod ng naka-itim na  lalaki Bumalik sa normalang oras.sinabi ni Akiba kay Yoshi na kailangan siyang bantayan nito sapagkat maaaring mapahamak siya kapag sumugod muli ang ang mga kalaban.dahil sa takot na madamay ang pamilya ay pumayag na din siya.Maraming araw na ang lumipas.marami na din silang nakaharap na kalaban na nagpatibay sa pagkakaibigan nila.habang tumatagal ay nahuhulog na ang loob ni Akiba kay Yoshi.Hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin sapagkat natatakot siyang magbago ang samahan nila.Ngunit isang araw, biglaang sumugod ang mga Dark Nebula upang kuhanin ang kapangyarihan ni Yoshi.Sa di inaasahang pangyayari ay nakuha nila si Yoshi at dinala sa kanilang pinagtataguan.Nang magising  si Akiba ay hindi na niya nakita si Yoshi at tanging nag-iwan lamang ng palatandaan ang mga kalaban kung saan nila dinala ang dalaga.Biglang pumasok sa isip ni Akiba ang dating pinagtataguan ng mga kalaban kaya agad siyang pumunta dito.                                                                                                                                    



Hinarap ni Akiba ang mga Dark Nebula hanggang sa matalo na niya lahat maliban sa pinunong si Dark Emperor.nakita ni Yoshi na nahihirapan na si Akiba ,dahil dito lumabas ang natatagong kapangyarihan ng dalaga.Dahil sa tindi ng kapangyarihan ay nagawa nitong masugatan ng malubha ang kalaban na nagpahina dito.Ngunit  bigla din siyang nanghina dahil sa inilabas na kapangyarihan kaya agad siyang pinuntahan ni Akiba.Nang nakita niya ito ay agad niya itong niyakap ng mahigpit.Nagkaroon siya ng lakas ng loob upang ipagtapat ang nararamdaman.Binigyan niya ito ng kwintas na tanda ng kanyang pamamahal na makakapagpaalala sa kanya kay Akiba.Alam ni Akiba na marahil ito na ang huli nilang pagsasama kaya ginawa na niya ito.Pagtalikod ni Akiba upang harapin ang kalaban  ay sinabi din ni Yoshi nakailangang bumalik niya para sa  nararamdaman niya para sa tagapagtanggol.


 Upang mailigtas si Yoshi sa inilalabas na kapangyarihan ng kalaban ay pinili ni Akiba na isakripisyo ang ang sarili.Inilabas niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan na nagrusulta sa napakalajing pagsabog.Dahil sa nangyari ay nawalan ng malay ang dalaga.


Nang magising ito siya ay nabigla sapagkat pinagtatawanan siya ng kanyang mga kaklase sapagkat unang araw ng pasukan ay tulog na agad ito.Ngunit ang ipinagtataka ay suot nito ang kwintas na bigay sa kanya ni Akiba.Biglang tumunog ang bell,nagsipasukan ang lahat ng mga estyudyante ng Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.Pagpasok ng kanilang guro ay may bagong transfer student silang makikila .Siya ay nagtaka sapagkat kamukha ito ni Akiba .Ang bago nilang kaklase ay nagsalita


     ''kamust kayo?Ako nga pala si  Aki Hernandez.Sana maging kaibigan ko kayong lahat''


Siya ay pinaupomalapit sa tabi ni Yoshi.Sila ay naging magkaibigan.Dala-dala ni Yoshi anng alaala ni Akiba mga masasayang araw na magkasama sila pati ang nararamdaman nito para sa kanya na ngayon ay nababaling na kay Aki.



                                                             TAPOS