![]() | ||
Ako noong recognition day |
Apat na minuto na lang bago sumapit ang alasais ng hapon , Linggo noong ika 21 ng Mayo 1995 ipinanganak ni Gng.Lourdes Hernandez ang isang munting anghel na napakacute at napaka puti ngunit umitim noong lumaki na pinangalanang Cielo Hernandez.
Noong bata pa ako edad 3 ay halos wala pa akong buhok. Sa edad kong 5 ay tinuturuan na akong magbilang at magbasa ng aking ama na si G.Cirilo Hernandez.Sabi ng mga magulang ko sa akin ngayong malaki na ako ay gusto ko daw maging pulis noong bata pa ako .Noong 7 taon na ako hinding hindi ko makakalimutan ang pagkakakagat ng bubuyog sa aking braso na siyang ikinahimatay ko at ang pagkaakabarog ng ulo ko sa bahay ng tita ko sa Calauan,halos duguan na ang balikat ko dahil sa pagkakadulas ko sa semento na naging peklat sa ulo ko.
![]() |
Ako noong grade 4 kasama ang aking ina |
![]() |
Ako noong graduation |
Nang maghahayskul na ako ay biglaan akong pinakuha ni Mama ng test para mapapunta sa science section buti na lang nakapasa ako.Dito ko naman nakilala ang mga bago kong kaibigan na sobrang ingay.Lumipas ang 2 taon at nasa ikatlong antas na kami , dito ako nahirapan dahil hindi ako mahilig sa geometry.Noong kami ay 3rd year na dito nabuo ang ''blue phanters'',ako ,si Claire,Mitch at reginae ang magkakabarkada kaya napagkaisahan namin na bumuo ng samahan.
![]() |
Ako at ang bestfriend kong si Claire |

Sa panahong din itonaging magbestfriend kami ni Claire at napagkaisahan namin na March 01 ang araw na ipagdiriwang namin ang pagiging magbestfriend namin
Noong third year din ako nakilala ko ang isang espesyal na tao na napamahal na din sa akin ngunit hindi naging kami dahil sa isang
kumplikadong dahilan.Ngunit isang nakakatuwang pagkakataon ay may nakilala akong isang kakaiba na tao na naging espesyal sa puso ko .Naging crush ko siya noong science camp pero pagkatapos noon ay hindi ko na siya nakita ngunit dahil sa isa kong kaibigan ay nagkakilala kami at nagkatext din pero noong nagkatext kami hindi ko siya minsan nirereplyan dahil laging ''ok'' at ''topic po'' ang tinetext niya sa akin kaya minsan naaasar ako sa kanya.Naging crush ko siya dahil sa kanyang ''black eyes''.
![]() |
4-science |

Sa mga panahong din ito naranasan ko na pumunta sa UP dahil sa research namin.Sa bawat pagpunta namin nina Thea,Berna at Arjay ay lagi kaming nagpupustahan kung ano ang kulay ng mga damit na nakadisplay sa isang dress shop na nadadaanan namin.
![]() |
sCyBer pHoEniX |
![]() |
stolen shot ng ScYbER pHoEniX |
Dumating na ang araw na pinakahihintay namin ang ''senior mini olympics''.Dito ay maglalaban laban ang lahat ng 4th year sections sa cheerdance at sa ibat-ibang laro dito nagsimula ang pakikipagsapalaran namin bilang SCYBER PHOENIX ang pangalan ng section namin.Halos gabing gabi na kami nakakauwi para lang maayos namin ang aming cheerdance .At dumatinng na ang araw na pinakahihintay namin nanalo kami ng 2nd place sa cheerdance,2nd place sa football girls at 4th place sa basketball girls.
Sa panahong din ito mas dumami pa ang mga kakilala ko .Tuwing wala kaming klase , nakaugalian na naming makwentuhan bago magsimula ang klase .May mga kalokohan na diyan magagaling ang iba kasama din ako dun.Pero pag oras na ng quiz laging takot at baka makakuha ng zero madadagdagan na naman ang poultry ng 4-Science.
![]() |
Ang paghahanda para sa quiz |
![]() |
trip na mag eye liner |
![]() |
lunch time namin |
Simple lang ang kwento ng buhay ko ngunit ng dahil sa mga taong nagpapahalaga at nagpapasaya sa akin
ay naging makulay ito na dating walang buhay